Mga Bugtong

Sunday, January 22, 2017

Kahulugan ng Bugtong

Bugtong - Ang bugtong na kung minsan ay tinatawag ding pahulaan o paturuan ay nagmula pa sa mga ninuno ng mga pinoy. Ito ay ginagamitan ng mga matatalinhagang salita na malapit o malayo sa paksa at nagbibigay ng bakas sa tamang sagot.


Saan nagagamit ang bugtong

Bugtong sa paaralan. Kadalasang ginagamit sa paaralang ang bugtong. Ito ay binibigay ng mga guro sa kanilang estudyante bilang takdang aralin. Ito ay napapabilang sa aralin ng mga mag-aaral sa wikang pinoy. Napagkakatuwaan ito ng mga kabataan at nagiging kaaya-aya ang buong klase sa pamamagitan ng pagtatalastasan ng mga bugtong na kanilang nalalaman at nalikom sa internet. Ang bawat kabataan ay mayroon ng nalalamang mga bugtong. Nariyan ang madadaling bugtong kagaya ng "nagtatago si pedro nakalabas ang ulo", "isang prinsesa nakaupo sa tasa", at marami pang iba na madalas marinig. Nagpapagalingan sa paaralan ang mga bata at mas nakaaangat ang nagbibigay ng bugtong na mahirap sagutin. Maaring ito ay napulot sa internet o kaya naman ay sariling akda.

Bugtong sa kalye. Ang pagbibigayan o palitan ng bugtong sa kalye ay madalas mangyari sa grupo ng mga magkakaibigan. Kalimitan itong ginagawang libangan kasabay ng pagbibigay ng mga nakatutuwang kwento. Mga halakhakan at kantyawan ang maririnig habang nagbubugtungan ang mga magkakaibigan sa kalye. Mas nakakatulong itong mahasa ang kaisipan upang mas maging matalas ang mabilis mag-isip. Sa paglipas ng panahon, nakakalungkot lamang isipin na ang bisyong ito ng mga tambay sa kalye ay unti unti na lamang nawawala at napapalitan ng mga hindi kanais nais na asal at gawain.

Bugtong sa bahay o pamilya.

Mga Bugtong - Sagot Letrang U, W, at Y

Ayan na si kapitan
pag-asa ang pasan
Bugtong at Sagot: Umaga

Nagpaputok ang kalaban
kayhirap ilagan
Bugtong at Sagot: Ulan

Batong matigas
nalagyan ng pitong butas
Bugtong at Sagot: Ulo ng tao

Nabubuhay ng walang buto
sa paglakad nauuna ang ulo
Bugtong at Sagot: Uod

Kung maliwanag itinatambak
sa pagdilim hinahanap
Bugtong at Sagot: Unan

Pasaway na magkakapatid
kung maglinis ay magkakaapid
Bugtong at Sagot: Walis

Hindi mainit ngunit umuusok
Masarap para sa pagod
Bugtong at Sagot: Yelo

Alaga kong si yotik
tinatapon koy bumabalik
Bugtong at Sagot: Yoyo

Mga Bugtong - Sagot Letrang T

Kabilaan kong kweba
nagagamit ko ngunit hindi ko makita
Bugtong at Sagot: Tainga

Kawal mong matalas at magaling
sablay sa iyong paningin
Bugtong at Sagot: Tainga

Kahapon ay apat
ngayon ay dalawa
bukas tatlo na
Bugtong at Sagot: Tao

Itinapon ko tsaka lamang nabuhay
ng dakmahin ko ay nahimlay
Bugtong at Sagot: Trumpo

Kabayo kong matulin
paikot ang gising
Bugtong at Sagot: Trumpo

Malayo man si ama
dinig ko sya pagdaka
Bugtong at Sagot: Telepono

Maraming magkakapatid
nag susunodan sa daan
Bugtong at Sagot: Tren

Telang makapangyarihan
hindi mahiwa ng sinuman
Bugtong at Sagot: Tubig

Baston ni adan
kinakain na kanayonan
Bugtong at Sagot: Tubo

Kamay ng higante
nagdugton ng dalawang poste
Bugtong at Sagot: Tulay


Hindi tao hindi hayop
maraming balita ang nalikop
Bugtong at Sagot: Telebisyon

Mga Bugtong - Sagot Letrang S

Nilagay na sa mataas,
inangatan pa ng di patas
Bugtong at Sagot: Sabitan ng Sumbrero

Inapakan nilinisan
Inapakan ulit at nilinisan
Bugtong at Sagot: Sahig

Malalapad na watawat
nakalaylay at di paawat
Bugtong at Sagot: Dahon ng saging

Hinatak ang palda
tsaka lumabas ang prinsesa
Bugtong at Sagot: Saging

Minsan bilog madalas parihaba
pinaghihirapan makuha ng madla
Bugtong at Sagot: Salapi

Kung kailan mata ay tinakpan ng buo
tsaka luminaw ang paningin ng todo
Bugtong at Sagot: Salamin ng mata

Kamera ni tito
kung makakuha ng imahe ay perpekto
Bugtong at Sagot: Salamin

Alaga kong si duran
itinali ko sa kabukiran
naglakbay sa kalangitan
Bugtong at Sagot: Saranggola

Naglagay ako ng lubid
sinabitan ng gamit
Bugtong at Sagot: Sampayan

Sinampahan at inalok
Bugtong at Sagot: Sampalok

Ang uloy ay ibinaon
ang kataway umaalon
Bugtong at Sagot: Sandok

Sala sa lamig sala sa init
kahit malagkit kayang masungkit
Bugtong at Sagot: Sandok

Maasim na tore
tahanan raw ng kapre
Bugtong at Sagot: Santol

Bumili ako ng alipin
sa paa ko laging nakasapin
Bugtong at Sagot: Sapatos

Kawawang ampon
binili, tinali
ginamit, tinapon
Bugtong at Sagot: Sapatos

Kung kailan mo itinali
tsaka pa naglandi
Bugtong at Sagot: Sapatos

Manok kong palaban
mamula mula ang katawan
Bugtong at Sagot: Sili

Hindi tao hindi hayop
nagtatago ng kaliskis
Bugtong at Sagot: Sili

Alkansya kong pula
napuno na ng barya
Bugtong at Sagot: Sili

Alikabok na binalot
sa kabataan ay salot
Bugtong at Sagot: Sigarilyo

Makinang at bilugan
sa marikit nakalaan
Bugtong at Sagot: Singsing

Minsan ginto, minsan pilak
datapwat nagbibigay galak
Bugtong at Sagot: Singsing

Bugtong bugtong
Sinusuot sa daliri
ginusto ng nakararami
Bugtong at Sagot: Singsing

Ahas kong si popot
sa baywang ang pumupulupot
Bugtong at Sagot: Sinturon

Mabulaklak sa pagkabata
sa pagtanda ay humaba
Bugtong ar Sagot: Sitaw

Hindi tao, hindi hayop
Pipi man sa nakararami
kung maghatid ng saloobin at posible
Bugtong at Sagot: Sobre

Kaibigan kong walang paa
ngutin sa kabilang bansa pa ang punta
Bugtong at Sagot: Sobre

Dinaig pa ang may akda
pagkat siya ay naglakbay na sa kabila
Bugtong at Sagot: Sobre

Maliit kung tutuusin
kung ginamit laging lamang sa akin
Bugtong at Sagot: Sumbrero

Kanyon ko sa probinsya
nasa loob ang bala
Bugtong at Sagot: Suha

Kamay ang may gawa
ang nakaalam ay mata
Bugtong at Sagot: Sulat

Tumubo kahit walang binhi
nagkasanga at di mabali
Bugtong at Sagot: Sungay ng Usa

Si senyorito pepitio
nagkaanak ng pito pito
Bugtong at Sagot: Sungkahan

Walang kaso si koko
kung magtago ay todo
Bugtong at Sagot: Suso

Hindi gago hindi tao
nang gumapang ginamit ay ulo
Bugtong at Sagot: Suso (snail)

Bundok ng kababaihan
kaligayahan sa kalalakihan
Bugtong at Sagot: Suso

Tuesday, January 3, 2017

Mga Bugtong - Sagot Letrang P

Magbarkadang tunay 
ngunit laging naglalamangan
Bugtong at Sagot: Paa

Dalawang ahente
salitan kung maka abante
Bugtong at Sagot: Paa

Nang ibinaon ang lolo
nakalimutan ang ulo
Bugtong at Sagot: Pako

Buto ng itinanim
mabilog ng anihin
nang aking biyakin
matubig ang angkin
Bugtong at Sagot: Pakwan

Itinuro ng kapaligiran
natanggap kung pinakinggan
nagamit ng may alam
Bugtong at Sagot: Pag-iisip

Naglalakad ang kuya
hindi maiwan ang alaga
Bugtong at Sagot: Pagong

Kung sa tubig mabilis
kapag sa lupa nama'y mabagal
Bugtong at Sagot: Pagong

Kumpare ko sa bayan
maingay sa tag ulan
sa pag talon ay walang kapaguran
Bugtong at Sagot: Palaka

Maliit kung ituring
kung mag ingay matining
Bugtong at Sagot: Palaka

Pwede sa tubig, pwede sa lupa
pinandidirihan ng madla
Bugtong at Sagot: Palaka

Binuhay ko ng sanggol
pinatay ko sa pagsibol
Bugtong at Sagot: Palay

Kayraming magkakapatid
nagsiksikan sa isang silid
Bugtong at Sagot: Posporo

Binigay sayo ng magulang mo
ginagamit ng mga kakilala mo
Bugtong at Sagot: Pangalan

Kabayan ni batman
kung madilim naghahanap ng kalaban
Bugtong at Sagot: Paniki

Walang paningin si ate
pero kung lumipad sa dilim ay grabe
Bugtong at Sagot: Paniki

Dumaan si Adan
naguhitan ang daan
Bugtong at Sagot: Panitik

Armas ng henyo
kung gamitin maihemplo
Bugtong at Sagot: Panitik

Nagtayo ako ng pahingaan
ang balwarte ay may kahabaan
Bugtong at Sagot: Pantalan

Madalas para sa masaya
minsan naman sa lumuluha
Bugtong at Sagot: Panyo

Sandata sa lugar namin
siksik ng bala sa loob
Bugtong at Sagot: Papaya

Alaga kong mataba
may palamang paminta
Bugtong at Sagot: Papaya

Panitik ang kasangga
armas din sa eskwela
Bugtong at Sagot: Papel

Uling nang hawakan
naging ginto nang masilaban
Bugtong at Sagot: Posporo

Maalinsangan sa kalusugan
masarap namang sawsawan
Bugtong at Sagot: Patis

Makinis nang tumubo
hindi iniwan sa bahay kubo
Bugtong at Sagot: Patola

Hindi tao hindi hayop
sa ulan at araw nanghihimasok
Bugtong at Sagot: Payong

Kung mahaba maganda
kung pinahaba ay bakla
Bugtong at Sagot: Pilikmata

Nagsinungaling ang bata
tinubuan ng maraming mata
Bugtong at Sagot: Pinya

Nakakaakit na maharlika
pinalibutan ng katana
Bugtong at Sagot: Pinya

Mga Bugtong - Sagot Letrang N at O

Matibay kong alaga
Bumagyo man hindi magiba giba
Bugtong at Sagot: Niyog

Puno ng buhay
Mula ulo hanggang paa'y
kapakipakinabang
Bugtong at Sagot: Niyog

Baston ni adan
Yumoyuko't tumatayo
Bugtong at Sagot: Niyog

Palsyo ng Reyna
Hindi abot ng mata
Bugtong at Sagot: Noo

Magkapatid sa buwan
Laging nag uunahan
Bugtong at Sagot: Orasan

Araw araw kung tignan
Kaytagal kung palitan
Bugtong at Sagot: Orasan

Maliit kung alaga
tanongan ng madla
Bugtong at Sagot: Orasan

Tuesday, December 27, 2016

Mga Bugtong - Sagot Letrang M

Kung madampi at titiklop
sa sobrang pagka mahiyain
Bugtong at Sagot: Makahiya

Matulis kong tarugo
ang paligid ay puno ng buto
Bugtong at Sagot: Mais

Armas ng kapitan
pinalibutan ng kayamanan
Bugtong at Sagot: Mais

Hugis pusong pagkain
dilaw kung hinog
berde kung hilaw
Bugtong at Sagot: Mangga

Alaga ni San Pedro
sa paagahan ng gising 
ay hindi matalo
Bugtong at Sagot: Manok

Bilog kong kagamitan
nakikita ang sanlibutan
Bugtong at Sagot: Mata

Bolang kristal kung ituring
nakakagala ng hindi naman lumalakad
Bugtong at Sagot: Mata

Kaibigan ni tarzan
pinagmulan daw ng tao
Bugtong at Sagot: Matsing

Tirahan mo at tirahan ko
tirahan din ng mga kalahi mo
Bugtong at Sagot: Mundo

Kung gumala ay madilim
kung magparamdam ay matulin
Bugtong at Sagot: Multo
Powered by Blogger.