Sunday, January 22, 2017

Mga Bugtong - Sagot Letrang S

Nilagay na sa mataas,
inangatan pa ng di patas
Bugtong at Sagot: Sabitan ng Sumbrero

Inapakan nilinisan
Inapakan ulit at nilinisan
Bugtong at Sagot: Sahig

Malalapad na watawat
nakalaylay at di paawat
Bugtong at Sagot: Dahon ng saging

Hinatak ang palda
tsaka lumabas ang prinsesa
Bugtong at Sagot: Saging

Minsan bilog madalas parihaba
pinaghihirapan makuha ng madla
Bugtong at Sagot: Salapi

Kung kailan mata ay tinakpan ng buo
tsaka luminaw ang paningin ng todo
Bugtong at Sagot: Salamin ng mata

Kamera ni tito
kung makakuha ng imahe ay perpekto
Bugtong at Sagot: Salamin

Alaga kong si duran
itinali ko sa kabukiran
naglakbay sa kalangitan
Bugtong at Sagot: Saranggola

Naglagay ako ng lubid
sinabitan ng gamit
Bugtong at Sagot: Sampayan

Sinampahan at inalok
Bugtong at Sagot: Sampalok

Ang uloy ay ibinaon
ang kataway umaalon
Bugtong at Sagot: Sandok

Sala sa lamig sala sa init
kahit malagkit kayang masungkit
Bugtong at Sagot: Sandok

Maasim na tore
tahanan raw ng kapre
Bugtong at Sagot: Santol

Bumili ako ng alipin
sa paa ko laging nakasapin
Bugtong at Sagot: Sapatos

Kawawang ampon
binili, tinali
ginamit, tinapon
Bugtong at Sagot: Sapatos

Kung kailan mo itinali
tsaka pa naglandi
Bugtong at Sagot: Sapatos

Manok kong palaban
mamula mula ang katawan
Bugtong at Sagot: Sili

Hindi tao hindi hayop
nagtatago ng kaliskis
Bugtong at Sagot: Sili

Alkansya kong pula
napuno na ng barya
Bugtong at Sagot: Sili

Alikabok na binalot
sa kabataan ay salot
Bugtong at Sagot: Sigarilyo

Makinang at bilugan
sa marikit nakalaan
Bugtong at Sagot: Singsing

Minsan ginto, minsan pilak
datapwat nagbibigay galak
Bugtong at Sagot: Singsing

Bugtong bugtong
Sinusuot sa daliri
ginusto ng nakararami
Bugtong at Sagot: Singsing

Ahas kong si popot
sa baywang ang pumupulupot
Bugtong at Sagot: Sinturon

Mabulaklak sa pagkabata
sa pagtanda ay humaba
Bugtong ar Sagot: Sitaw

Hindi tao, hindi hayop
Pipi man sa nakararami
kung maghatid ng saloobin at posible
Bugtong at Sagot: Sobre

Kaibigan kong walang paa
ngutin sa kabilang bansa pa ang punta
Bugtong at Sagot: Sobre

Dinaig pa ang may akda
pagkat siya ay naglakbay na sa kabila
Bugtong at Sagot: Sobre

Maliit kung tutuusin
kung ginamit laging lamang sa akin
Bugtong at Sagot: Sumbrero

Kanyon ko sa probinsya
nasa loob ang bala
Bugtong at Sagot: Suha

Kamay ang may gawa
ang nakaalam ay mata
Bugtong at Sagot: Sulat

Tumubo kahit walang binhi
nagkasanga at di mabali
Bugtong at Sagot: Sungay ng Usa

Si senyorito pepitio
nagkaanak ng pito pito
Bugtong at Sagot: Sungkahan

Walang kaso si koko
kung magtago ay todo
Bugtong at Sagot: Suso

Hindi gago hindi tao
nang gumapang ginamit ay ulo
Bugtong at Sagot: Suso (snail)

Bundok ng kababaihan
kaligayahan sa kalalakihan
Bugtong at Sagot: Suso

0 comments:

Post a Comment

Powered by Blogger.