Bugtong - Ang bugtong na kung minsan ay tinatawag ding pahulaan o paturuan ay nagmula pa sa mga ninuno ng mga pinoy. Ito ay ginagamitan ng mga matatalinhagang salita na malapit o malayo sa paksa at nagbibigay ng bakas sa tamang sagot.
Saan nagagamit ang bugtong
Bugtong sa paaralan. Kadalasang ginagamit sa paaralang ang bugtong. Ito ay binibigay ng mga guro sa kanilang estudyante bilang takdang aralin. Ito ay napapabilang sa aralin ng mga mag-aaral sa wikang pinoy. Napagkakatuwaan ito ng mga kabataan at nagiging kaaya-aya ang buong klase sa pamamagitan ng pagtatalastasan ng mga bugtong na kanilang nalalaman at nalikom sa internet. Ang bawat kabataan ay mayroon ng nalalamang mga bugtong. Nariyan ang madadaling bugtong kagaya ng "nagtatago si pedro nakalabas ang ulo", "isang prinsesa nakaupo sa tasa", at marami pang iba na madalas marinig. Nagpapagalingan sa paaralan ang mga bata at mas nakaaangat ang nagbibigay ng bugtong na mahirap sagutin. Maaring ito ay napulot sa internet o kaya naman ay sariling akda.
Bugtong sa kalye. Ang pagbibigayan o palitan ng bugtong sa kalye ay madalas mangyari sa grupo ng mga magkakaibigan. Kalimitan itong ginagawang libangan kasabay ng pagbibigay ng mga nakatutuwang kwento. Mga halakhakan at kantyawan ang maririnig habang nagbubugtungan ang mga magkakaibigan sa kalye. Mas nakakatulong itong mahasa ang kaisipan upang mas maging matalas ang mabilis mag-isip. Sa paglipas ng panahon, nakakalungkot lamang isipin na ang bisyong ito ng mga tambay sa kalye ay unti unti na lamang nawawala at napapalitan ng mga hindi kanais nais na asal at gawain.
Bugtong sa bahay o pamilya.
0 comments:
Post a Comment