ngunit laging naglalamangan
Bugtong at Sagot: Paa
Dalawang ahente
salitan kung maka abante
Bugtong at Sagot: Paa
Nang ibinaon ang lolo
nakalimutan ang ulo
Bugtong at Sagot: Pako
Buto ng itinanim
mabilog ng anihin
nang aking biyakin
matubig ang angkin
Bugtong at Sagot: Pakwan
Itinuro ng kapaligiran
natanggap kung pinakinggan
nagamit ng may alam
Bugtong at Sagot: Pag-iisip
Naglalakad ang kuya
hindi maiwan ang alaga
Bugtong at Sagot: Pagong
Kung sa tubig mabilis
kapag sa lupa nama'y mabagal
Bugtong at Sagot: Pagong
Kumpare ko sa bayan
maingay sa tag ulan
sa pag talon ay walang kapaguran
Bugtong at Sagot: Palaka
Maliit kung ituring
kung mag ingay matining
Bugtong at Sagot: Palaka
Pwede sa tubig, pwede sa lupa
pinandidirihan ng madla
Bugtong at Sagot: Palaka
Binuhay ko ng sanggol
pinatay ko sa pagsibol
Bugtong at Sagot: Palay
Kayraming magkakapatid
nagsiksikan sa isang silid
Bugtong at Sagot: Posporo
Binigay sayo ng magulang mo
ginagamit ng mga kakilala mo
Bugtong at Sagot: Pangalan
Kabayan ni batman
kung madilim naghahanap ng kalaban
Bugtong at Sagot: Paniki
Walang paningin si ate
pero kung lumipad sa dilim ay grabe
Bugtong at Sagot: Paniki
Dumaan si Adan
naguhitan ang daan
Bugtong at Sagot: Panitik
Armas ng henyo
kung gamitin maihemplo
Bugtong at Sagot: Panitik
Nagtayo ako ng pahingaan
ang balwarte ay may kahabaan
Bugtong at Sagot: Pantalan
Madalas para sa masaya
minsan naman sa lumuluha
Bugtong at Sagot: Panyo
Sandata sa lugar namin
siksik ng bala sa loob
Bugtong at Sagot: Papaya
Alaga kong mataba
may palamang paminta
Bugtong at Sagot: Papaya
Panitik ang kasangga
armas din sa eskwela
Bugtong at Sagot: Papel
Uling nang hawakan
naging ginto nang masilaban
Bugtong at Sagot: Posporo
Maalinsangan sa kalusugan
masarap namang sawsawan
Bugtong at Sagot: Patis
Makinis nang tumubo
hindi iniwan sa bahay kubo
Bugtong at Sagot: Patola
Hindi tao hindi hayop
sa ulan at araw nanghihimasok
Bugtong at Sagot: Payong
Kung mahaba maganda
kung pinahaba ay bakla
Bugtong at Sagot: Pilikmata
Nagsinungaling ang bata
tinubuan ng maraming mata
Bugtong at Sagot: Pinya
Nakakaakit na maharlika
pinalibutan ng katana
Bugtong at Sagot: Pinya
0 comments:
Post a Comment