Tuesday, December 27, 2016

Mga Bugtong - Sagot Letrang L

Bahay ni pedro
isiniksik sa matao
Bugtong at Sagot: Labong

Naglakad lang papunta at pabalik
dinaanan ay nabiyak
Bugtong at Sagot: Lagare

Tinahi ni Ka kiko
butas butas pa rin ang gawa ng loko
Bugtong at Sagot: Lambat

Hindi tao, hindi bagay
kung sumipsip matibay
Bugtong at Sagot: Lamok

Pambihira kong apo
hinahanap hanap ay dugo
Bugtong at Sagot: Lamok

Bisitang hindi inasahan
nauuna sa hapag kainan
Bugtong at Sagot: Langaw

Alaga kong malaki ang katawan
nagbihis na matulis na panlaban
Bugtong at Sagot: Langka

Tropa ni tipaklong
kung kumayod ay maghapon
Bugtong at Sagot: Langgam

Kaibigan kong maliit
kung bumuhat malupit
Bugtong at Sagot: Langgam

Magkakapatid ng isilang
kung mamuhay tulungan
Bugtong at Sagot: Langgam

Alaga ko na usa
sa paggising ay bumabaho na
Bugtong at Sagot: Laway

Kaysarap pagmasdan at abutin
pero mahirap maangkin
Bugtong at Sagot: Langit

Monday, December 26, 2016

Mga Bugtong - Sagot Letrang K

Kahong malaki
Tahanan ko sa huli
Bugtong at Sagot: Kabaong

Pananggalang ng dwende
Tumutubo sa tabi tabi
Bugtong at Sagot: Kabute

Sinturon ni ama
Nagbuhol buhol na
Bugtong at Sagot: Kadena

Sinlaki ng ulo ni kuya
Sinakyan ni Cinderella
Bugtong at Sagot: Kalabasa

Laging nagbibilang
Paulit ulit lang naman
Bugtong at Sagot: Kalendaryo

Buwan buwan kung punitin
Taon taon naman ligpitin
Bugtong at Sagot: Kalendaryo

Libro ng hinaharap at kasalukuyan
Kasama rin ang nakaraan
Bugtong at Sagot: Kalendaryo

Bulaklak ko sa bayan
Pantawag ng simbahan
Bugtong at Sagot: Kampana

Si malaki at maliit
Naglalakbay ng paikot ikot
Minsan nagpa pang abot
Bugtong at Sagot: Kamay ng orasan

Kung kailan mo sya pinatay
Doon naman nadugtungang ang pamumuhay
Bugtong at Sagot: Kandila

Bugtong bugtong
Kung dumilim umiiyak
Bugtong at Sagot: Kandila

Matangkad ng isilang
Lumiit habang nabubuhay
Bugtong at Sagot: Kandila

Dumaan si Lara
Nagsara ang kalsada
Bugtong at Sagot: Karayom at sinulid

Hineteng matulis
Tagahila ng sinulid
Bugtong at Sagot: Karayom

Kaibigang marikit
Sa tasa nakasabit
Bugtong at Sagot: Kasoy

Matayog kung lumago
Kasangga ng magbibilao
Bugtong at Sagot: Kawayan

Balot na balot nung kabataan
Hubad naman sa katandaan
Bugtong at Sagot: Kawayan

Hayan na si Mang lino
Pasan nanaman ang mundo
Bugtong at Sagot: Kuba

Munting pilak na kaibig ibig
Taga hatid ng pagkain sa bibig
Bugtong at Sagot: Kubyertos

Magkakapitbahay na lima
May bahay ding kanya kanya
Bugtong at Sagot: Kuko

Kagamitan pa ni lola
Taga piga ng gata
Bugtong at Sagot: Kudkuran

Peste sa magsasaka
Namumutol ng pananim
Bugtong at Sagot: Kuliglig

Sumigaw si tarzan
Dinig hanggang kabilang bayan
Bugtong at Sagot: Kulog

Monday, December 19, 2016

Mga Bugtong - Sagot Letrang I

Kamao ni Adan
Nagsaboy ng kaliwanagan.
Bugtong at Sagot: Ilaw

Katamtaman ang sa akin
Mahaba ang sa kano
At pango naman ang iyo
Bugtong at Sagot: Ilong

Ang inilabas ni misis
May amoy na di kanais nais
Bugtong at Sagot: Ipot

Kagamitan ni amak
Kung tumama nakakawasak
Bugtong at Sagot: Itak

Hindi tao hindi hayop
Tahanang sarado ang lahat
Bugtong at Sagot: Itlog

Pabilog ang kurba
Kung saan ang manok nagmula
Bugtong at Sagot: Itlog

Mga Bugtong - Sagot Letrang H

Alipin kong pahiga ang katawan
Palagi na lang inaapakan
Bugtong at Sagot: Hagdanan

Syota ni ate
Maghapong nagbubuhat
Bugtong at Sagot: Haligi

Bugtong bugtong
Dumadampi ngunit hindi maaninag
Bugtong at Sagot: Hangin

Hindi tao hindi hayop
Hindi nakikita pero
Kailangan ng iyong katawan
Bugtong at Sagot: Hangin

Kambal kong alaga
Magkabilaan ang lungga
Bugtong at Sagot: Hikaw

Mga Bugtong - Sagot letrang G

Dumaan si Mang ped
Nag iiwan ng lubid
Bugtong at Sagot: Gagamba

Kaibigan kong si taba
Kung gumawa ng bahay ay mag isa
Bugtong at Sagot: Gagamba

Tahanan ni kumpare
Isinabit lang sa ere 
Bugtong at Sagot: Gagamba

Sa puno ng buhay nagmula
Pinipiga ng madla. 
Bugtong at Sagot: Gata

Katas na maputi
Kasabay mong lumabas dati 
Bugtong at Sagot: Gatas ng ina

Batong matigas
Kung sumabog wagas
Bugtong at Sagot: Granada

Hindi tao hindi hayop
Pumapatay ng kuto 
Bugtong at Sagot: Gugo

Armas ni kabayan
Nakakahati ng laman
Bugtong at Sagot: Gulok o itak

Pumatay ng karamihan
Pero sa labas pa rin naninirahan
Bugtong at Sagot: Gulok o itak

Matingkad kong alaga
Ginagamit ni rosalinda. 
Sagot: Gumamela

Kapitbahay kong mag asawa
Laging naghihiwalay at nagsasama
Sagot: Gunting

Sunday, December 18, 2016

Mga Bugtong - Sagot letrang D

Karagatan sa paningin
Ginagamit para makarating 
Bugtong at Sagot: Daan

Nabagsakan ng ulan
Ngunit walang bakas ng kasalanan
Bugtong at Sagot: Dahon ng gabi

Hinangad ng madla
Maraming pinaasa
Iisa ang nakasama
Bugtong at Sagot: Dalaga

Gamit sa kabutihan
Minsan makasalanan
Bugtong at Sagot: Daliri

Limang magkakapatid
Ang isa ay naki apid
Bugtong at Sagot: Daliri

Bolang maitim
Hinalo sa asin
Masarap kaninin
Bugtong at Sagot: Duhat

Tropa kong kasama
Paningin ay magkabila
Bugtong at Sagot: Duling

Kausap kong si toto
Ang tingin ay malayo
Bugtong at Sagot: Duling

Paroon rito paroon doon
Palipat lipat lang ng direksyon. 
Bugtong at Sagot: Duyan

Monday, December 12, 2016

Mga Bugtong - Sagot letrang B

Partner ni adan
Taga dala ng sinapupunan
Bugtong at Sagot: Babae

Maliit na kahoy
Dinala ko
Dinanala ako
Bugtong at Sagot: Bakya

Gawa sa kahoy, minsan sa semento
Nakatira ang tao, madalas ay kwago
Bugtong at Sagot: Bahay

Himlayan ni bos
Pananggalang sa unos
Bugtong at Sagot: Bahay

Alipin kong pahaba
Kung lumakad patihaya
Bugtong at Sagot: Bangka

Umaandar ng mag isa ,
mabilis kahi walang paa.
Bugtong at Sagot: Bangka

Hanapin ang gala,
Na kung umaandar ay nakatihaya.
Bugtong at Sagot: Bangka

Kahon na bukas,
transportasyong malakas.
Bugtong at Sagot: Bangka

Nakahiga sa oras ng tulugan
Nakatayo kapag gisingan
Bugtong at Sagot: Banig

Piraso ng bakal,
Gamit sa pagpapatiwakal.
Bugtong at Sagot: Baril

Gamit kong salamin
Ang katawan ay babasagin
Bugtong at Sagot: Baso

Anak kong si mario
Matigas ang ulo
Bugtong at Sagot: Bato

Kalaban ng masasama
Kinatatakutan ng adik sa bansa
Bugtong at Sagot: Bato

Lalagyan kong bilog
Madaming buto sa loob
Bugtong at Sagot: Bayabas

Hindi gunting, hindi itak
Kung kumagat nakakawasak
Bugtong at Sagot: Bibig

Ipinatong sa saging
Tinakpan din ng saging
Bugtong at Sagot: Bibingka

Hinuli ko para maging pain
At ginamit kong pang pain
Bugtong at Sagot: Bingwit

Makisig kung matulin
Kung mabagal ay nabibitin
Bugtong at Sagot: Bisikleta

Maningning pagmasdan
Kasing ganda ng iyong kasintahan
Bugtong at Sagot: Bituin

Masikip ang lagusan
Pagdakay kaluwagan
Bugtong at Sagot: Bote

Taga buo ng imperyo
Kung lumipad ay malayo
Bugtong at Sagot: Bubuyog

Dila ang puhunan
Talino ang pinagmulan
Bugtong at Sagot: Bugtong

Ilang beses mang gupitin
Sa tuwina ay humahaba pa rin
Bugtong at Sagot: Buhok

Agimat ni enteng
Kalinisan ang pinaparating
Bugtong at Sagot: Bula ng Sabon

Gabay sa kadiliman
Kaysarap pagmasdan
Bugtong at Sagot: Buwan
Powered by Blogger.