Monday, December 12, 2016

Mga Bugtong - Sagot letrang B

Partner ni adan
Taga dala ng sinapupunan
Bugtong at Sagot: Babae

Maliit na kahoy
Dinala ko
Dinanala ako
Bugtong at Sagot: Bakya

Gawa sa kahoy, minsan sa semento
Nakatira ang tao, madalas ay kwago
Bugtong at Sagot: Bahay

Himlayan ni bos
Pananggalang sa unos
Bugtong at Sagot: Bahay

Alipin kong pahaba
Kung lumakad patihaya
Bugtong at Sagot: Bangka

Umaandar ng mag isa ,
mabilis kahi walang paa.
Bugtong at Sagot: Bangka

Hanapin ang gala,
Na kung umaandar ay nakatihaya.
Bugtong at Sagot: Bangka

Kahon na bukas,
transportasyong malakas.
Bugtong at Sagot: Bangka

Nakahiga sa oras ng tulugan
Nakatayo kapag gisingan
Bugtong at Sagot: Banig

Piraso ng bakal,
Gamit sa pagpapatiwakal.
Bugtong at Sagot: Baril

Gamit kong salamin
Ang katawan ay babasagin
Bugtong at Sagot: Baso

Anak kong si mario
Matigas ang ulo
Bugtong at Sagot: Bato

Kalaban ng masasama
Kinatatakutan ng adik sa bansa
Bugtong at Sagot: Bato

Lalagyan kong bilog
Madaming buto sa loob
Bugtong at Sagot: Bayabas

Hindi gunting, hindi itak
Kung kumagat nakakawasak
Bugtong at Sagot: Bibig

Ipinatong sa saging
Tinakpan din ng saging
Bugtong at Sagot: Bibingka

Hinuli ko para maging pain
At ginamit kong pang pain
Bugtong at Sagot: Bingwit

Makisig kung matulin
Kung mabagal ay nabibitin
Bugtong at Sagot: Bisikleta

Maningning pagmasdan
Kasing ganda ng iyong kasintahan
Bugtong at Sagot: Bituin

Masikip ang lagusan
Pagdakay kaluwagan
Bugtong at Sagot: Bote

Taga buo ng imperyo
Kung lumipad ay malayo
Bugtong at Sagot: Bubuyog

Dila ang puhunan
Talino ang pinagmulan
Bugtong at Sagot: Bugtong

Ilang beses mang gupitin
Sa tuwina ay humahaba pa rin
Bugtong at Sagot: Buhok

Agimat ni enteng
Kalinisan ang pinaparating
Bugtong at Sagot: Bula ng Sabon

Gabay sa kadiliman
Kaysarap pagmasdan
Bugtong at Sagot: Buwan

0 comments:

Post a Comment

Powered by Blogger.