Monday, December 26, 2016

Mga Bugtong - Sagot Letrang K

Kahong malaki
Tahanan ko sa huli
Bugtong at Sagot: Kabaong

Pananggalang ng dwende
Tumutubo sa tabi tabi
Bugtong at Sagot: Kabute

Sinturon ni ama
Nagbuhol buhol na
Bugtong at Sagot: Kadena

Sinlaki ng ulo ni kuya
Sinakyan ni Cinderella
Bugtong at Sagot: Kalabasa

Laging nagbibilang
Paulit ulit lang naman
Bugtong at Sagot: Kalendaryo

Buwan buwan kung punitin
Taon taon naman ligpitin
Bugtong at Sagot: Kalendaryo

Libro ng hinaharap at kasalukuyan
Kasama rin ang nakaraan
Bugtong at Sagot: Kalendaryo

Bulaklak ko sa bayan
Pantawag ng simbahan
Bugtong at Sagot: Kampana

Si malaki at maliit
Naglalakbay ng paikot ikot
Minsan nagpa pang abot
Bugtong at Sagot: Kamay ng orasan

Kung kailan mo sya pinatay
Doon naman nadugtungang ang pamumuhay
Bugtong at Sagot: Kandila

Bugtong bugtong
Kung dumilim umiiyak
Bugtong at Sagot: Kandila

Matangkad ng isilang
Lumiit habang nabubuhay
Bugtong at Sagot: Kandila

Dumaan si Lara
Nagsara ang kalsada
Bugtong at Sagot: Karayom at sinulid

Hineteng matulis
Tagahila ng sinulid
Bugtong at Sagot: Karayom

Kaibigang marikit
Sa tasa nakasabit
Bugtong at Sagot: Kasoy

Matayog kung lumago
Kasangga ng magbibilao
Bugtong at Sagot: Kawayan

Balot na balot nung kabataan
Hubad naman sa katandaan
Bugtong at Sagot: Kawayan

Hayan na si Mang lino
Pasan nanaman ang mundo
Bugtong at Sagot: Kuba

Munting pilak na kaibig ibig
Taga hatid ng pagkain sa bibig
Bugtong at Sagot: Kubyertos

Magkakapitbahay na lima
May bahay ding kanya kanya
Bugtong at Sagot: Kuko

Kagamitan pa ni lola
Taga piga ng gata
Bugtong at Sagot: Kudkuran

Peste sa magsasaka
Namumutol ng pananim
Bugtong at Sagot: Kuliglig

Sumigaw si tarzan
Dinig hanggang kabilang bayan
Bugtong at Sagot: Kulog

0 comments:

Post a Comment

Powered by Blogger.