Sunday, December 18, 2016

Mga Bugtong - Sagot letrang D

Karagatan sa paningin
Ginagamit para makarating 
Bugtong at Sagot: Daan

Nabagsakan ng ulan
Ngunit walang bakas ng kasalanan
Bugtong at Sagot: Dahon ng gabi

Hinangad ng madla
Maraming pinaasa
Iisa ang nakasama
Bugtong at Sagot: Dalaga

Gamit sa kabutihan
Minsan makasalanan
Bugtong at Sagot: Daliri

Limang magkakapatid
Ang isa ay naki apid
Bugtong at Sagot: Daliri

Bolang maitim
Hinalo sa asin
Masarap kaninin
Bugtong at Sagot: Duhat

Tropa kong kasama
Paningin ay magkabila
Bugtong at Sagot: Duling

Kausap kong si toto
Ang tingin ay malayo
Bugtong at Sagot: Duling

Paroon rito paroon doon
Palipat lipat lang ng direksyon. 
Bugtong at Sagot: Duyan

0 comments:

Post a Comment

Powered by Blogger.