Monday, December 12, 2016

Mga Bugtong - Sagot letrang A

Hindi nagsasalita, hindi naglalakad,
Ngunit marunog mag lahad
Bugtong at sagot: Aklat

Walang ugat, walang sanga,
Pero gamot sa tanga
Bugtong at Sagot:Aklat

Tungkod ni adan,
Mahirap lapitan
Bugtong at Sagot: Ulupong

Madalas hugis baboy,
Minsan gawa sa kahoy
Bugtong at Sagot: Alkansiya

Daliri ay hati
Ulo ay yupi
Kung makasipit
Mahapdi
Bugtong at Sagot: Alimango

Ayan na si pipoy
Nagdala nanaman ng apoy
Bugtong at Sagot: Alitaptap

Pagsayaw ni marie
Kasabay sa ilaw na patay sindi
Bugtong at Sagot: Alitaptap

Hampas ni ama
Sunod sunod ang tama
Bugtong at Sagot: Alon

Nung bata ay kulubot
Sa pagtanda ay kulubot
Bugtong at Sagot: Ampalaya

Maliit man sa hanay
Pero taga tibag ng bahay
Bugtong at Sagot: Anay

Kambal ko simula noon
Kasama ko saan man paroon
Sa araw gala
Sa gabi nawawala
Bugtong at Sagot: Anino

Hari kung tawagin
Init at liwanag ang bigay sa atin
Bugtong at Sagot: Araw

Dumating sa amin
Dumating sa kapitbahay namin
Dumating din sa inyo
Bugtong at Sagot: Araw

Matigas nang kuhanin
Durog na nang gamitin
Bugtong at Sagot: Asin

Alaga kong tapat
Paa ay apat
Mas matangkad sa pag upo
Bugtong at Sagot: Aso

Bolang bago
Punong puno ng buto
Bugtong at Sagot: Atis

0 comments:

Post a Comment

Powered by Blogger.